GENESIS 19:23-29
23 Ang araw ay nakalitaw na sa lupa nang dumating si Lot sa Zoar.
24 Nang magkagayo'y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit;
25 At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon.
26 Datapuwa't ang asawa ni Lot ay lumingon sa likuran ni Lot, at naging haliging asin.
27 At si Abraham ay sumampang maaga ng kinaumagahan sa dakong kinatayuan niya sa harap ng Panginoon.
28 At siya'y tumingin sa dakong Sodoma at Gomorra, at sa buong lupain ng kapatagan, at tumanaw, at narito, ang usok ng lupain ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno.
29 At nangyari, na nang gumawin ng Dios ang mga bayan ng kapatagan, na naalaala ng Dios si Abraham, at pinalabas si Lot, mula sa gitna ng pinaggunawan, nang gunawin ang mga bayan na kinatitirahan ni Lot.
Friday, May 29, 2009
Wednesday, May 27, 2009
Buhay ng OFW last part
Nguni't sa kabila ng hirap at kalupitan na nararanasan ng iba nating
kababayan sa ibang bansa, ay marami din naman ang nagtatagumpay
sa kanilang pangingibang bayan, sa iba't ibang larangan ng hanap buhay.
yung iba ay nagtagumpay sa larangan ng musika, fashion designer, atyung iba
ay sa larangan ng pagninegosyo, nagtatrabaho ng husto, at ng
makaipon ay nagtatayo ng sariling negosyo, at yung iba naman
ay pinalad na makapag-asawa ng taga doon.
Sadyang hindi pare-pareho ang kapalaran ng tao,
ngunit isa lang ang dahilan ng pangingibang bayan ng ilan sa atin,
yung umasenso sa buhay upang mabigyan ng magandang
kinabukasan ang kanilang mahal sa buhay, at yung
iba naman ay para matakasan ang kahirapan dito sa pinas,
maraming mga pilipino ang nakakaranas na hirap sa ibang
bansa. Pero mas pinili pa nilang manatili doon, kaysa
bumalik dito. Ang katuwiran kasi nila, kahit na nakakaranas sila
ng hirap at kalupitan, ay nararanasan naman daw nila ang
mamuhay na parang mayaman kahit minsan lang.
Nakakain nila ang gusto nilang kainin, at nabibili nila ang
gusto nilang bilhin, na kailanman ay hindi nila makakain
at mabibili kung nandito lang sila sa pinas.
Isa lang ang ibig sabihin niyan, naghihirap na ang ating bansa,
at alam nyo na siguro kung ano ang dahilan ng
paghihirap natin, halos nanditona kasi ang lahat ng "BUWAYA",
kaya hindi umaasenso ang ating bansa.
Kaya marami tayong kababayan ang pinipiling magtrabaho
sa ibang bansa, kahit na alam nilang maaari silang
mapahamak, mabigyan lang ng magandang buhay ang
kanilang pamilya.

Buhay ng OFW (part2)
Bukod sa hirap at pagmamalupit na nararanasan ng ating
mga kababayang ofw, ay nakakaranas din ang ilan sa kanila
ng sexual harrashment o sexual abuse.
Tulad ng nabasa ko sa isang site sa internet, na naranasan
ng isang pinay sa dubai, na nagtatrabaho bilang isang nurse.
Ang kwento niya, habang naglalakad na daw sya pauwi
galing sa duty, ay may sumabay sa kaniya na isang arabo
at binati pa daw siya na (KABAYAN HOW ARE YOU?.)
Habang naglalakad daw sila ay bigla na lang daw siya
hinawakan sa maselang parte ng katawan, ng makarating sila sa parteng madilim,
at ng siya ay pumalag sa panghihipo sa kaniya ng arabo
ay doon na siya pwersahang hinalay.
Tayong mga nandito lang sa pinas, ang akala natin ay
puro sarap ang kanilang nararanasan sa ibang bansa,
dahil pag umuuwi sila dito ay nakikita nating masaya
sila, pero sa likod pala ng sayang iyon ay nagtatago
ang hirap at kalupitan na kanilang naranasan.

Monday, May 25, 2009
Buhay ng OFW
Marami ng mga pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa,
dahil sa kahirapan dito sa pilipinas.
Nakakahanga sila dahil nakakaya nila ang kungkot at hirap
na kanilang nararanasan sa ibang bansa, mabigyan lang ng
magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay.
Nakakalungkot lang isipin na marami tayong mga
kababayan ang nakakaranas ng kalupitan sa kanilang mga amo.
yung iba ay binubuhusan ng kumukulong tubig sa kanilang katawan,
ikinukulong ng kanilang mga amo sa bahay habang wala sila
para hindi makatakas, at yung iba naman ay pinagsasamantalahan
ng kanilang amo.
Pero tinitiis nila ang lahat ng iyon, alang-alang sa kanilang mga
mahal sa buhay.
Mahirap talaga ang magtrabaho sa ibamg bansa, lalo na yung
mga may asawa't mga anak, bukod sa malayo sila sa kanilang
pamilya, ay nakakaranas pa sila ng kalupitan.
Mayroong mga pamilya ang nasisira dahil sa kawalan nila ng
pagpipigil, komo nga nasa malayo ang kanilang mahal (asawa)
ay nagagawa nilang magtaksil, may mga ofw ang nakaranas na ng ganito.
Yung ibang mga lalaki pag-uwi nila dito sa pinas ay nadadatnan
nilang buntis na sa ibang lalaki ang kanilang mga asawa,
at ganun din ang nararanasan ng mga babaeng ofw,
pag-uwi nila dito sa pinas ay mayron ng ibang kinakasama ang
kanilang mga mister.
Nakakaawa naman sila, dahil nakakaranas na nga sila ng hirap
at kalupitan sa ibang bansa ay ganun pa ang kanilang
madadatnan pag-uwi dito sa pinas.
Sana naman yung mga may asawa na nasa abroad ay maging
tapat kayo sa inyong mga asawa, wag na ninyong dagdagan
ang hirap na kanilang nararanasan.
At gayun din naman yong mga nasa abroad,
dapat maging tapat din kayo sa kanila, dahil nakakaranas
din naman sila ng hirap at kalungkutan.
Isa pa kayo ang may gusto na mag abroad, kaya dapat
lang na magtiis kayo sa tawag ng laman.
Baka mamaya maka-tiyempo kayo ng may sakit, eh
kayo din ang mahihirapan sa huli, at baka pati ang
asawa ninyo ay mahawaan pa.

Saturday, May 23, 2009
Ang pagkamatay ni Moises
Deuteronomio 34:1-7
1 At sumampa si Moises mula sa mga kapatagan ng Moab
sa bundok ng Nebo, sa taluktok ng Pisga, na nasa tapat ng
Jerico. At itinuro ng Panginoon ang buong lupain ng Galaad
hanggang sa Dan.
2 At ang buong Nephtali at ang buong lupain ng Juda
hanggang sa dagat kalunuran,
3At ang timugan at ang kapatagan ng libis ng Jerico na
bayan ng mga puno ng palma hanggang sa Soar.
4 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Ito ang lupain na
aking isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob,
na sinasabi, Aking ibibigay sa iyong binhi: aking
pinatingnan sa iyo ng iyong mga mata, ngunit hindi
ka daraan doon.
5 Sa gayo'y si Moises na lingkod ng Panginoon ay namatay
roon sa lupain ng Moab ayon sa salita ng Panginoon.
6 At kaniyang inilibing siya sa libis sa lupain ng Moab
na nasa tapat ng Beth-peor, ngunit sinomang tao
ay hindi nakaaalam ng libingan niya hanggang sa
araw na ito.
7 At si Moises ay may isang daan at dalawang pung taong
gulang nang siya'y mamatay: ang kaniyang mata'y
hindi lumabo, ni ang kaniyang talagang lakas ay humina.

Thursday, May 21, 2009
RUGBY BOY'S (part3)
At lumipas ang mga araw na ganun lagi ang aking nakikita,
maghapong sumisinghot ng rugby. Ang nababago lang ay
ang kanilang pagkain, minsan kasi, o madalas na hindi namin
sila nakikitang kumakain.
Sumasala sila sa pagkain, pero sa rugby ay hindi. Siguro naiisip
nila na sa sampung piso nilang pera ay hindi sila mabubusog
kung ibibili nila ng pagkain, kaya siguro rugby nalang ang
kanilang binibili at hindi pagkain, para hindi nila maramdaman
ang gutom. Halos araw-araw ko sila nakikita dahil doon lagi
sila nagtatambay sa labas ng disco/bar, sa tapat ng site namin,
at ganun lagi ang kanilang ginagawa .
Hanggang sa dumating ang araw na last day na namin sa manila,
patapos na kasi ang ginagawa namin.
Nung umagang iyon nakita ko uli sila na nakatambay sa tapat ng
site namin, at dating gawi, ginagawa na naman nilang almusal
ang rugby, at makalipas ang tatlong oras ay dumating na ang iba
at may kani-kaniya silang dalang rugby, maya-maya ay
nagsinghutan na sila.
At maya-maya pa ay may dumating na isang babae na may kasamang
batang lalake na sa tingin ko ay anim na taon pa lang ang edad.
Kwentuhan, tawanan, singhutan ng rugby ang kanilang ginagawa,
at yung bata naman ay abala sa paglalaro.
Maya-maya aylumapit na ang bata sa kaniyang kasamang babae
kanina, na sa tingin ko ay kaniyang ina, at umupo ang bata sa
harap ng kaniyang ina, at pagkatapos ay kumandong.
Tinitingnan ko yung bata habang tawa ng tawa, kinikiliti kasi
siya ng kaniyang ina, nakita ko sa kaniyang mukha na para
bang walang problema. "haayy ang mga bata nga naman" nasabi
ko sa sarili ko habang tinitingnan ko siya.
Nagulat ako ng biglang inabot ng kaniyang ina ang hawak niyang
rugby na nasa bote, at kinuha naman ito nung bata at sininghot,
"nagru-rugby din pala yung bata" sabi ko sa sarili ko habang
umiiling ako. Matagal din na sumisinghot ang bata, maya-maya
ay tumayo ang kaniyang ina at sumasayaw habang lumalapit
sa nakatayong matandang lalake, na kanila din kasama, at ng
makalapit siya, hinawakan niya sa balikat ang matanda habang
gumigiling, habang ang kaniyang mga kasama ay nagtatawanan,
at yung bata naman ay pinapanood niya ang kaniyang inang
gumigiling habang sumisinghot ng rugby.
At nakita ko ang mukha nung bata na parang lasing, namumungay
at mapula ang kaniyang mga mata, umiiling nalang kami ng mga
kasama ko.
At dumating na ang gabing pauwi na kami dito sa laoag, bago
kami umalis ay bumili muna ako ng chewing gum sa tabi ng site
namin, at tinanong ko yung tindera kung kilala niya yung mga
nagru-rugby sa tapat ng site namin. "Oo kilala ko yung mga yun,
isang pamilya sila, halos nagru-rugby na ata silang lahat,
may sarili silang bahay d'yan, malapit lang dito pero sa gabi
lang sila umuuwi dahil sa araw ay mas gusto nila ang nasa kalye
dahil ang katuwiran nila pag nasa bahay lang daw sila ay hindi sila
magkaka-pera, may kamag-anak sila na nasa abroad pero ewan ko
kung bakit pinabayaan na sila." Tumango-tango nalang ako sa
sinabi nung tindera, at umalis na ako, naghihintay na kasi sa akin
yung mga kasama ko.
Ngayon ay nandito na ako sa laoag, pero hindi ko pa rin sila
makalimutan. Sana makasumpong sila ng awa mula sa Panginoon at
makaahon sa pagkakalubog mula sa kumunoy, at magbagong buhay.
Wakas...

Tuesday, May 19, 2009
RUGBY BOY'S (part2)
At sa kinabukasan pagkagising ko, bandang 6:30 ng umaga, ay pumunta
ako sa bintana upang tingnan kung andon na ang mga rugby boy's, at
hindi nga ako nagkamali, dahil nandon uli sila sa harap ng disco/bar,
sa tapat ng aming site, at dating gawi singhot uli sila ng rugby, at ngayon
ay hindi lang sila tatlo, kundi anim na sila, may kasama na silang 2 lalake
nasa 35-40 ang edad nila, at isang babae na sa tingin ko ay ganun din ang
edad niya.
Sumisinghot din sila ng rugby, ang iba ay sa bote nakalagay ang rugby,
yung iba naman ay nasa plastik ng yelo. Singhot dito, singhot doon ang
kanilang ginagawa, kaniya kaniya sila ng trip, nagtatawanan na parang
walang mga problema, tapos bigla silang mananahimik. upo, tayo,
lakad, ang kanilang ginagawa habang sumisinghot ng rugby.
Maya-maya ay may dumating na dalawang babae, isang matanda at yung
isa ay nasa 40 ang eded niya, may dala silang isang plastik bag, at
kanilang inilapag sa semento, at umupo sila, binuksan ang dala nilang
plastik bag, nakita ko na pagkain pala ang laman , sa tingin ko ay tira-tira
yung pagkain dahil halo-halo ang nandon.
Kumain sila, kamayan, wala ng hugas hugas ng kamay, mayamaya ay
lumapit ang iba at kumuha ng pagkain, sabay-sabay silang nagkainan sa
isang plastik bag. Habang kumakain ay nagtatawanan na para bang
kay sarap ng kanilang buhay, na parang walang problema.
Subo ng pagkain, singhot ng rugby, para bang ginagawa nilang ulam
ang rugby. Pagkatapos nilang kumain ay nagalisan na yung iba, may dalang
mga sako, maghahanap siguro ng mga plastik at bote para ibenta,
upang may ipambili sila ng pagkain, "este rugby pala" hehehe!
Yung iba naman ay naiwan at nanatili lang doon hanggang sumapit
ang hapon, at pagdating ng gabi ay umaalis sila doon, kung saan sila
pumupunta ay hindi ko alam.

Sunday, May 17, 2009
RUGBY BOY'S
Nung ako ay nagpunta sa maynila, sa lungsod ng Malate upang magtrabaho doon.
Ako nga pala ay isang Pintor/Kontraktor ng bahay.
Nagpunta ako sa maynila dahil may pininturahan akong isang restaurant/bar o "restobar".
Unang araw ko palang doon ay nakita ko na kaagad ang mga sumisinghot ng rugby o yung
tinatawag na mga "rugby boy". Nung una dalawa lang ang aking nakita, isang babae,
na sa tingin ko ay tomboy, nasa 25-30 ang edad niya, at yung isa naman ay isang lalake na edad siguro ay nasa 16-18. Marurumi ang kanilang mga suot na damit at kapuwa sila sumisinghot
ng rugby.
Nakita ko sa kanilang mga mukha na langong-lango na sila sa rugby, at namumula ang
kanilang mga mata, hindi sila mapakali, palakad-lakad, nagsasalita na wala naman kausap,
tapos biglang tatawa, at pagkatapos ay bigla nalang nagmumura. "mga putang ina nyo lahat!!!"
tapos mayamaya ay may dumating na isang matandang lalake, mabagal ang paglakad niya,
hindi ko alam kung may pilay siya kaya siya hirap maglakad, o ng dahil sa gutom.
Nung makita ko yung matandang lalake ay naawa ako sa kaniya, dahil hirap na nga siya
maglakad ay may buhat-buhat pa siyang isang sako, na ang laman ay mga plastik nasa
tingin ko ay kaniyang ibebenta upang may pambili siya ng pagkain. "pagkain nga ba, o rugby? hehehe." Nakita ko kasi siya na naglabas ng isang boteng plastik at pagkatapos ay
sininghot niya ang bote.
Mayamaya ay umupo silang tatlo sa semento, sa harap ng isang disco/bar, at doon ay
sabay-sabay silang suminghot ng rugby.
Hanggang sa lumipas ang maghapon na ganun ang kanilang ginagawa.

Friday, May 15, 2009
Ang araw ay tumigil sa gitna ng langit
JOSUE 10:1-15
1Nangyari nga, nang mabalitaan ni Adoni-sedec na hari sa Jerusalem
na kung paanong nasakop ni Josue ang Hari at nagibang lubos
(na kung paanong kaniyang ginawa sa Jerico at sa hari niyaon,
gayon ang kaniyang ginawa sa Hai at sa hari niyaon), at kung
paanong nakipagpayapaan sa kanila ang mga taga Gabaon, at nangasa
gitna nila;
2Ay natakot silang mainam, sapagka't ang Gabaon ay malaking bayan
na gaya ng isa sa mga bayan ng hari, at sapagka't lalong malaki kay sa
Hai, at ang lahat ng lalake roon ay mga makapangyarihan.
3Kaya't sa Adoni-sedec na hari sa Jerusalem ay nagsugo kay Oham
na hari sa Hebron, at kay Phiream na hari sa Jarmuth, at kay Japhic
na hari sa Lachis, at kay Debir na hari sa Eglon na ipinasasabi,
4Sampahin ninyo ako at inyong tulungan ako, saktan natin ang Gabaon:
Sapagka't nakipagpayapaan kay Josue at sa mga anak ni Israel.
5Kaya't ang limang hari ng mga Amorrheo, ang hari sa Jarmuth,
ang hari sa Lachis, ang hari sa Eglon, ay nagpipisan at sumampa sila
at abg lahat nilang hukbo, at humantong laban sa Gabaon, at nakipagdigma
laban doon.
6At ang mga tao sa Gabaon ay nagsugo kay Josue sa kampamento sa
Gilgal, na sinasabi, Huwag mong papanlambutin ang iyong kamay sa iyong
mga lingkod; sampahin mo kaming madali, at iligtas mo kami: sapagka't ang lahat
ng mga hari ng mga Amorrheo na nangananahan sa lupaing maburol ay nagpipisan
laban sa amin.
7Sa gayo'y sumampa si Josue mula sa Gilgal, siya at ang buong bayang pangdigma
na kasama niya, at ang lahat ng mga makapangyarihang lalake na matatapang.
8At sinabi ng Panginoon kay Josue, Huwag mo silang katakutan: sapagka't
aking ibinigay sila sa iyong mga kamay; walang lalake roon sa kanila na
tatayo sa harap mo.
9Si Josue nga ay naparoong bigla sa kanila, siya'y sumampa mula sa Gilgal
buong gabi.
10At nilito sila ng Panginoon sa harap ng Israel, at kaniya pinatay sila ng
malaking pagpatay sa Gabaon, at hinabol niya sila sa daan na sampahan sa
Beth-horon, at sinaktan niya sila hanggang sa Azeca, at sa Maceda.
11At nanagyari, na habang tumatakas sa harap ng Israel samantalang sila'y
nasa babaan sa Beth-horon, na binagsakan sila ng Panginoon sa Azeca ng mga
malalaking bato na mula sa langit, at sila'y namatay: sila'y higit na namatayan
sa pamamagitan ng mga batong granizo kay sa pinatay ng mga anak ni Israel
sa pamamagitan ng tabak.
12Nang magkagayo'y nagsalita si Josue sa panginoon nang araw na ibinigay
ng Panginoon ang mga Amorrheo sa harap ng mga anak ni Israel; at kaniyang
sinabi sa paningin ng Israel,
Araw tumigil ka sa Gabaon;
At ikaw, Buwan, sa libis ng Ajalon.
13At ang araw ay tumigil, at ang buwan ay huminto, Hanggang sa ang bansa
nakapaghiganti sa kaniyang mga kaaway.
Hindi ba ito nakasulat sa aklat ni Jasher?
At ang araw ay tumigil sa gitna ng langit, at hind nagmadaling lumubog sa
isang buong araw.
14At hindi nagkaroon ng araw na gaya niyaon, bago nangyari yaon o pagkatapos
niyaon na ang Panginoon ay nakinig sa tinig ng tao: sapagka't ipinakipaglaban
ng Panginoon ang Israel.
15At si Josue ay bumalik at ang buong Israel na kasama niya sa kampamento
sa Gilgal.

Wednesday, May 13, 2009
Si Jonas ay itinapon sa dagat at nilamon ng isda.
JONAS 1:11-17
11 Nang magkagayo'y sinabi nila sa kaniya, Anong gagawin namin sa iyo, upang ang dagat ay tumahimik sa atin? sapagka't ang dagat ay lalo't lalong umuunos.
12 At sinabi niya sa kanila, Ako'y inyong buhatin, at ihagis ninyo ako sa dagat; sa gayo'y ang dagat ay tatahimik sa inyo: sapagka't talastas ko na dahil sa akin dumating ang malaking unos na ito sa inyo.
13 Gayon ma'y ang mga lalake ay nagsisigaod na mainam upang bumalik sa lupa; ngunit hindi nila magawa; sapagka't ang dagat ay lalo't lalong umuunos laban sa kanila.
14 Kaya't sila'y nagsidaing sa Panginoon, at nangagsabi, Ipinamamanhik namin sa iyo, Oh Panginoon, ipinamamanhik namin sa iyo, huwag mo kaming ipahamak dahil sa buhay ng lalaking ito, at huwag mong ihulog sa amin ang walang salang dugo; sapagka't ikaw, Oh Panginoon, iyong ginawa ang nakalulugod sa iyo.
15 Sa gayo'y kanilang binuhat si Jonas at inihagis sa dagat; at ang dagat ay tumigil sa kaniyang poot.
16 Nang magkagayo'y nangatakot na mainam ang mga tao sa Panginoon; at sila'y nangaghandog ng isang hain sa Panginoon, at nagsipanata.
17 At inihanda ng Panginoon ang isang malaking isda upang lamunin si Jonas; at si Jonas ay napasa tiyan ng isda na tatlong araw at tatlong gabi.

Monday, May 11, 2009
Si Jonas ay tumakas na patungo sa Tarsis
JONAS 1:1-10
1 Ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jonas na anak
ni Amittai, na nagsasabi,
2 Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang
yaon; sapagka't ang kanilang kasamaan ay umabot sa harap ko.
3 Ngunit si Jonas ay bumangon upang tumakas na patungo sa
Tarsis mula sa harapan ng Panginoon; at siya'y lumusong sa Joppe,
at nakasumpong ng sasakyan na patungo sa Tarsis: sa gayo'y
nagbayad siya ng upa niyaon, at siya'y lumulan upang yumaong
kasama nila sa Tarsis mula sa harapan ng Panginoon.
4 Ngunit ang Panginoon ay nagpasapit ng malakas na hangin
sa dagat, na anopa't ang sasakyan ay halos masira.
5Nang magkagayo'y nangatakot ang mga taong dagat at dumaing
ang bawa't tao sa kanikaniyang dios; at kanilang inihagis sa dagat ang
mga daladalahang nangasa sasakyan upang makapagpagaan sa kanila.
Ngunit si Jonas ay bumaba sa pinakaloob na bahagi ng sasakyan, at
siya'y nahiga at nakatulog ng mahimbing.
6 Sa gayo'y lumapit sa kaniya ang puno ng sasakyan, at sinabi sa kaniya,
Ano ang inaakala mo, O matutulugin? bumangon ka, tumawag ka sa iyong
Dios, baka sakaling alalahanin ng Dios tayo, upang huwag tayong mangamatay.
7 At sinabi ng bawa't isa sa kanila sa kaniyang kasama, Magsiparito kayo
at tayo'y mangagsapalaran, upang ating malaman, kung dahil kanino
dumating ang kasamaang ito sa atin.
Sa gayo'y nangagsapalaran sila, at ang palad ay nahulog kay Jonas.
8 Nang magkagayo'y sinabi nila sa kaniya, Isinasamo namin sa iyo na iyong
saysayin sa amin, kung dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin;
ano ang iyong hanap-buhay? At saan ka nanggaling? ano ang iyong lupain?
at taga saang bayan ka?
9 At kaniyang sinabi sa kanila, Ako'y isang Hebreo; at ako'y natatakot
sa Panginoon, sa Dios ng langit, na siyang gumawa ng dagat at ng tuyong lupain.
10 Nang magkagayo'y nangatakot na mainam ang mga tao, at sinabi sa kaniya,
Ano itong iyong ginawa?
Sapagka't talastas ng mga tao na siya'y tumatakas mula sa harapan ng Panginoon,
sapagka't isinaysay niya sa kanila.

Saturday, May 9, 2009
Ang pagkamatay ni Judas Iscariote.
GAWA 1:16-19
16 Mga kapatid, kinakailangang matupad ang kasulatan, na nang una ay sinalita ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ni David tungkol kay Judas, na siyang pumatnugot sa nagsihuli kay Jesus.
17 Sapagka't siya'y ibinilang sa atin, at siya'y tumanggap ng kaniyang bahagi sa ministeriong ito.
18 (Kumuha nga ang taong ito ng isang parang sa pamamagitan ng ganti sa kaniyang katampalasanan; at sa pagpapatihulog ng patiwarik, ay pumutok siya sa gitna, at sumambulat ang lahat ng mga laman ng kaniyang tiyan.
19 At ito'y nahayag sa lahat ng mga nagsisitahan sa Jerusalem; anopa't tinawag ang parang na yaon sa kanilang wika na Aceldama, sa makatuwid baga'y, Ang parang ng Dugo.)

Subscribe to:
Posts (Atom)