Marami na ang nakakaranas ng kahirapan sa ating bansa at maging sa ibang bansa, lalo na ngayong nakakaranas ng krisis ang buong mundo. Kung nuon nga hirap na tayo, paano pa kaya ngayon na nakakaranas ng krisis ang buong mundo?
Kung ang America na isang mayamang bansa ay nakakaranas ngayon ng kahirapan, paano pa kaya ang mga bansang mahihirap na katulad natin. Malamang ay dobleng hirap at pasakit ang ating mararanasan kung ito ay hindi maaagapan.
Wednesday, April 15, 2009
Thursday, April 2, 2009
Hapon, Humanga sa mga Pinoy Seamen.
Muli na namang pinahanga ng mga manggagawang Filipino ang mga dayuhan dahil sa kanilang husay at determinasyon. Ipinaabot ni Toshitaka Hagiwara, isang negosyanteng Hapon at Senior Advisor ng Komatsu Ltd. kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ang mga seamen na Filipino ay tunay na natatangi sa buong mundo. Patunay umano dito: mahigit sa 70 porsiyento ng mga kawal sa operasyong pandagat ng mga Hapon ay mga Filipino.
Matatandaang ang Komatsu Ltd. ay isang nangungunang tagagawa at taga-distribute ng mga kagamitang pang construction, pangmina, utilities at industrial machinery. Ang nabanggit na kompanya ay mahigit isang dekada nang nagsasagawa ng operasyon sa Pilipinas.
Ayon kay Hagiwara, mahigit dalawang daang libong (200,000) mamamayang Pilipino ang kasalukuyang naninirahan sa Japan at karamihan umano sa mga japanese maritime shipping operation ay pinangungunahan ng mga Pilipinong kawal.
Dahil sa pagiging masipag at maabilidad ng mga Pilipino, inihayag ni Hagiwara na pinoproseso na rin ngayon ng pamahalaan ng Japan ang pagtanggap ng mas maraming manggagawang Pilipino sa iba't-ibang larangan lalo na ang mga Pinoy na nars at caregivers.

Subscribe to:
Posts (Atom)